ISSUE 4: SHU CALLEJA, READY TO BARE IT ALL
- #TEAMSUPER
- Apr 18, 2020
- 7 min read
Updated: Apr 19, 2020

(FOR THE ENGLISH TRANSLATION, CHECK OUT THE SUCCEEDING ENTRY)
If the “Shoe” fits. Sabi nila kapag kasya ang sapatos, siguradong milya-milya ang malalakad at mararating nito. Tulad na lang ng mga narating ng isa sa pinaka-active na macro influencers ngayon online, na mas kilala sa tawag na “SHU”.
Mag didisi-nuwebe pa lang ngayong Mayo si Shu. Pero kung tutuusin, napakarami ng napagdaanan sa buhay sa napaka mura niyang edad. Nagsimulang mag-training sa martial arts noong 11 taong gulang, nagsimulang sumali sa pambansang pagligsahan at maging sa labas ng bansa noong 14 taon siya, at naging ulilang lubos noong 15 taong gulang, kung saan kinailangan niyang buhayin ang sarili niya ng mag-isa.
“Lahat ng pwedeng gawin, ginawa ko para mabuhay.” pagbabalik tanaw ni Shu.
Hindi mo aakalain na sa likod ng kanyang masayang disposisyon, sa kanyang mga nakakatawang pasada sa social media, at sa mga makukulit na video sa instagram ay may malalim pala siyang mga pinagdaan sa kanyang buhay.
“Kinailangan kong maging matanda agad.”
Habang nagte-training dati sa National Team ng Wushu, nakakuha ng scholarship si Shu sa iskwelahan kung saan binibigyan din siya ng allowance bilang atleta. Nabibigyan din sila ng mga cash rewards sa mga naipapanalo nilang paligsahan.

“Hindi naman ako magastos dahil libre naman lahat, tirahan saka pagkain. Kaya lahat ng binibigay sa akin, tinatabi at iniipon ko.” kuwento ni Shu.
Masusubok daw ang kakayahan ng isang tao kapag dumating ang mga hindi inaasahang mga pangyayari sa buhay. Nagkaroon ng malubhang sakit ang Tatay ni Shu at pumanaw ang ama nito dahil sa problema sa atay. Labing tatlong taong gulang pa lamang si Shu noon.
“Naglaho bigla yung pangarap ko. Kasi lahat naman ng ginagawa ko noon para sa magulang ko, para maging proud sila sa akin.” kuwento ni Shu.
Bata pa lang si Shu noon, pero sinubukan pa rin niyang makatulong dahil sa pagpanaw ng kanilang padre de pamilya. Mas lalo niyang pinagsumikapan ang kanyang karera sa pagiging atleta, na naging dahilan naman para mahinto ito ng isang taon sa pag-aaral.
“Kinailangan eh. Araw-araw na yung training ko noon. Kailangan ko din magsipag kasi yung allowance at mga papremyo, mas kailangan ko talaga noong mga panahon na yun.” kuwento ni Shu.
Lahat naman ng kanyang paghihirap ay nasuklian dahil noon din niya unang nasungkit ang championship sa ibang bansa. Nanalo siya ng bronze medal para sa 6TH World Junior Wushu Federation, na ginanap sa Beijing. Ito rin yung panahon kung saan nasubok ulit ang katatagan ni Shu.

Naalala pa niya na nakatanggap siya ng mensahe habang nasa iskuwelahan siya. Galing ito sa kanyang mga kapatid, at pinauuwi agad siya dahil naging malubha naman ang kalagayan ng kanyang inang may sakit sa puso.
Hindi na alam ni Shu kung ano ang gagawin niya noon kaya nagmadali itong ipadyak ang bisikleta niya mula sa iskwelahan sa Pasay, pabalik sa kanilang bahay sa Quezon City. Nang dumating siya, nakita niya ang kanyang inang naghihina na. Hindi ito nagdalawang isip na buhatin papalabas ng bahay para makakuha ng taxi na magdadala sa Nanay niya sa ospital. Ilang taxi ang dumaan subalit walang huminto sa harapan nila.
“Nagmadali talaga akong umuwi, padyak lang ako ng padyak ng bisikleta ko hanggang sa makarating ako ng bahay. Sabi ko sa nanay ko na andito na ko ‘Nay’, malapit na yung tutulong sa atin. Antay lang po kayo ‘Nay’. Hindi ko alam paano ko siya nabuhat papalabas ng bahay. Habang karga karga ko siya, ilang beses ko siyang kinakausap. Sinubukan kong magpakatatag para sa Nanay ko.” kuwento ni Shu.
Subalit huli na lahat ng dumating ang tulong. Nang makarating sila sa ospital, dineklarang dead-on-arrival na ang kanyang ina.
“Lahat ng ginagawa ko noon ay para sa magulang ko. Sa tatay ko, sa nanay ko. Tapos bigla bigla, mauulila pala ako. Hindi ko maintindihan bakit ako, bakit kailangan kong pagdaanan lahat ng yun.” kuwento ni Shu.
Lahat ng na-ipon ni Shu kinailangan niyang gamitin para sa kanyang ina, at para narin makatulong sa kanyang pamilya. Ni minsan hindi raw niya kinuwestyon ang Diyos sa lahat ng ito.
“Sabi ng Nanay ko, nung nabubuhay pa siya, lahat ng mga nangyayari sa atin, may rason ang Diyos kung bakit natin pinagdadaanan ang lahat ng ito.” sagot ni Shu.

Naging napakahirap ng mga susunod na taon para kay Shu. Naubos na ang kanyang ipon para sana sa kanyang pag-aaral at pamumuhay. Kinailangan din niyang mag-quit sa National Team para magpatuloy siya sa kanyang iskuwelahan. Yun din kasi ang gusto ng kanyang Nanay, ng nabubuhay pa ito, na makatapos si Shu sa pag-aaral.
“Napakahirap na mabuhay mag-isa sa murang edad. Nasanay naman na kasi akong maging independent. Andun naman yung mga kapatid ko pero ayaw ko nang maging pabigat sa kanila. May sarili na silang tahanan, may sarili na silang pamilya.” sagot ni Shu.
Kinailangan ni Shu na maghanap ng pagkakikitaan para masuportahan ang kanyang pag-aaral at pamumuhay na mag-isa. Naging student instructor siya ng Wushu sa mga batang atleta. Naging service crew din siya ng isang fast food chain. Halos gapangin niya ang mga oras para lang pagkasyahin ang lahat ng ito.
“Nag-aaral ako sa umaga hangang sa hapon. Tapos nagsisimula trabaho ko sa gabi hanggang sa madaling araw. Uuwi ako minsan tapos maglalaba, tapos gigising ng maaga para pumasok sa iskwela kinabukasan.” sagot ni Shu.

Subalit naniniwala si Shu na lahat ng kanyang pinagdadaanan ay may rason. Ang dami niyang natutunan, kung gaano ka importante ang pagiging masipag. Naturuan rin siya nito na mas lalong maging matatag bilang isang tao.
“Ang daming paghihirap at pagsubok. At aaminin ko, ang daming gustong tumulong. Ang daming mga bagay na pwede ko sanang gawin para mas mapadali ang buhay ko. Pero hindi ko kakayanin tanggapin yung mga bagay na yun. Ayaw kong madungisan yung pangalan ng mga magulang ko na tanging ipinamana nila sa akin. Mas gugustuhin ko pa na mabuhay sa hirap basta nabubuhay ng may prinsipyo.” sagot ni Shu.
Totoo ang kasabihan na ang lahat ng bagay ay makakamit mo basta may tiyaga ka lang at determinasyon. Pagkatapos ng ilang taon sa social media, unti-unti nang nakikilala si Shu bilang isa sa pinaka pinagkakatiwalaang brand ambassadors, halos mag 300K followers na siya sa Instagram. Lahat ng kinikita niya rito bilang influencer ay ginagamit niya para mapagpa-aral ang sarili sa iskwela. Tumutulong din si Shu paminsan minsan sa kanyang nakakabatang kapatid. Sinusuportahan din niya ang ilang mga grupo sa kanikanilang mga adbokasiya .
“Ang dami ko nang napagdaanan. Mga pagkapanalo, mga pagkabigo, mga pagsubok, at sa lahat ng mga pinagdaanan ko, parating kasama ko si Papa God. At sobra sobra ang pasasalamat ko sa kanya dahil hindi niya ako pinabayaan. Hindi ako nag-isa.” huling sagot ng binata.
Si #TEAMSUPER Shu ay isang magandang ehemplo na ang mga pagsubok sa buhay, gaano man ito kahirap, ay kayang mapagtagumpayan. Walang katapusan ang pag-ikot ng buhay. Suot ang tamang “sapatos”, tuloy tuloy lang tayo sa ating paglalakbay.

THE PROUST QUESTIONNAIRE
TS: Ano ang ang perfect happiness para sayo? SHU:
Yung kasama ko ang aso ko at mga kaibigan. TS: Ano ang pinaka kinatatakutan mo sa buhay? SHU: Yung magalit sa akin si Lord. TS: Ano ang pinaka ayaw mong ugali sa sarili mo? SHU: Matampuhin ako at walang tiwala sa sarili. TS: Ano ang pinaka ayaw mong ugali sa ibang tao? SHU: Yung mga plastic at talkshit.
TS: Sinong buhay na tao ang pinaka bilib ka? SHU: Si Lee Sang-hye, kilala siya bilang si Faker, gamer siya sa League of Legend TS: Anong pinaka bisyo mo na material na bagay? SHU: Etong vape ko at cellphone
TS:
Anong estado ng pag iisip mo ngayon?
SHU:
Yung magpursigi na makapag tapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho.
TS:
Ano sa palagay mo ang ugaling masyado ng naaabuso?
SHU:
Kabaitan ng isang tao.
TS:
Anong okasyon ka nagsisinungaling?
SHU:
Haha. Sa exam, minsan.

TS:
Anong pinaka ayaw mo sa physical na anyo mo? SHU: Nahihirapan akong magkaroon ng abs. Haha. TS: Sinong nabubuhay na tao na pinaka-ayaw mo? SHU: Papagalitan ako nito, pero may mga teacher ako na hindi ko makasundo. TS: Anong ugali ang pinaka gusto mo sa mga lalaking kaibigan?
SHU:
Mababait at maganda ang pakikisama.
TS: Anong ugali ang pinaka gusto mo sa mga kababaihan? SHU: Yung palakaibigan at sweet magsalita. TS: Anong mga salita or “words” ang madalas mong ginagamit? SHU: Awittttttt Sirrrr
TS: Sino ang Greatest Love ng buhay mo? SHU: Si God TS: Saan at kailan ka naging pinakamasaya? SHU: Nung 2017. Nakapag ibang bansa ako sa Thailand. TS: Anong talent ang gusto mong magkaroon o matutunan? SHU: Yung matuto akong sumayaw at kumanta.
TS: Kung may babaguhin ka na isang katangian sa sarili mo, pisikal man o pag-uugali, ano yun? SHU: Pagiging matampuhin ko at walang tiwala sa sarili. TS: Ano para sa iyo ang pinaka greatest achievement mo sa buhay? SHU: Naging parte ako ng national team ng Wushu. At nadala ko ang Pilipinas bilang isang manlalaro sa ibang bansa. TS: Kung mamatay ka ngayon, at ipapanganak kang muli, sinong tao o bagay ang gusto mo maging? SHU: Ipis or lamok TS: Saang lugar mo gustong mamuhay? SHU: USA. Sa Alaska
TS: Anong kayamanan na meron ka na pinakapinahahalagahan mo sa ngayon? SHU: Pamilya at mga nagmamahal sa akin.
TS: Ano ang pinaka mababa at malungkot na moment ng buhay mo? SHU: Yung parehong nawala ang aking mga magulang. TS: Ano ang pinakapaborito mong naging trabaho? SHU: Naka pag model. Saka yung pagiging Service crew ko sa isang fast food chain.
TS: Anong pag uugali mo ang pinaka kilala ka? SHU: Pala kaibigan ako. At hindi talkshit.
TS: Anong pag uugali ang pinaka pinahahalagahan mo sa buhay? SHU:
Yung pagiging mabait.
TS: Sino ang pinaka paborito mong manunulat? SHU:
Yung komedyante po, si kuya Jobert.
TS: Sinong super hero ang pinaka ina-idolize mo? SHU: Ironman at Superman.

TS: Sino naman bayani or historical figure ang nakikita mo sarili mo? SHU: Madiskarte ako katulad ni General Luna TS: Sino ang hero mo sa totoong buhay na malaki ang naitulong sa yo? SHU: Mga kapatid ko. TS: Anong paborito mong mga pangalan? SHU: Emmanuel or Shu.
TS: Ano ang pinaka ayaw mong bagay? SHU: Wala.
TS: Ano ang isang bagay na pinakapinagsisihan mo sa buhay? SHU:
Wala pa naman.
TS: Paano mo gustong mamatay? SHU: Yung hindi na ako papahirapan.
TS: What is your motto? SHU: Bilog ang Mundo. Kaya kahit talikuran mo ang problema mo, sa huli haharapin mo rin yan, sa ayaw at gusto mo
CREDITS:
Photography by The Superboy Shoots
IG: superboyshoots
Follow Shu Calleja
IG: shucalleja
FB and Twitter: Shu Calleja
FB Page: shucallejaofficial
Youtube: Shu Calleja
Idol, despite of his trials in very young age I salute you... Then his always think in a positive ways. He said... What ever happen..there always a reason.. Keep it up.. And always love ur self... God bless and more projects to come... Kudos to you young men..
So impressive and inspirational how you faced and get through all the challenges at a very young age. Keep it up young man. IDOL for me, you are. 😍
Beautiful body he should bare it all❤️🔥
hi Shu, im very proud of u, mabait ka at may tiwala at takot ka sa Diyos, love u ❤❤
I like his positive outlook in life despite his trials he went theough. Sana maging inspirasyon sya ng lahat. Gusto ko xa maging kaibigan